Wednesday, November 4, 2009

conjuro spiritus universo 1

Papuri sa Diyos!

Natapos nang gawin ang isa pang sulat-kamay na aklat na pinamagatang:
CONJURO SPIRITUS UNIVERSO 1.

Ang aklat na ito ay tungkol sa pagtawag ng espiritu na nakatala sa mga pahina ng aklat na ito.

Ipinagkakaloob ang mga nilalaman ng aklat na ito bilang tulong sa sangkatauhan sa buhay sa pamamagitan mg mga espiritu.

Subalit kung hindi ka maingat, at hindi mo sinisikap isabuhay ang pitong layunin ng D.E.U.S.(G.O.D.), ang mga espiritu na ito ay hindi tutulong sa iyo.

Kung ikaw naman ay nagsisikap gawin ang katuwiran ng Diyos na inilagay Niya sa iyong puso, at isinasabuhay sa abot ng makakaya ang pitong layunin ng D.E.U.S.(G.O.D.), hindi ka pagkakaitan ng mga espiritu.

May 101 na pahina ang aklat, at maraming mga espiritual na mga selyo at oraciong pantawag sa espiritu na nakaselyo.

Ang mga espiritu sa aklat ay may kanya-kanyang gawain, at nahihilingan.

Humiling lamang ng mga makatuwirang bagay, sapagkat makakapahamak sa taong tumatawag ang mga kahilingan na wala sa katuwiran.

Sana makatulong ang aklat na ito sa inyo.

Papuri sa Diyos!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.