Wednesday, March 17, 2010

7 LAYUNIN NG D.E.U.S.(G.O.D.)

DIBINONG ESTADO UNIBERSONG SAMAHAN (GEOMETRY OF DIVINITY)

ANG 7 LAYUNIN NG D.E.U.S.(G.O.D.)

1
ISABUHAY ANG TATLONG GINTONG SIMULAIN: MAKADIYOS, MAKABAYAN, AT MAKATAO

2
ISAGAWA ANG PAG-IBIG SA DIYOS, PANANAMPALATAYA AT PAG-ASA SA PAMAMAGITAN NG TIYAGA

3
ISAKATUPARAN ANG KABUTIHAN, KATUWIRAN, KALINISAN, KATOTOHANAN, KADALISAYAN, KALIWANAGAN, AT KABABAAN NG KALOOBAN


4
IPALAGANAP ANG PAGKAKAISA, PAGMAMAHALAN, PAGTULONG SA KAPWA, PAGMIMISYON, PAGLILINIS NG SARILI, AT PAGBABAGO NA PAUNLAD

5
MAGKAROON NG PAGGAGALANGAN, PAG-UNAWAAN, AT PAGMAMAHALAN SA ISA'T-ISA BILANG MGA KAPATID AT KAPWA-TAO


6
MAGING DAKILA SA ISIP, SA SALITA, AT GAWA, PARA SA DIYOS, SA BAYAN, AT TAO

7
IPAGPATIBAY ANG KAUTUSAN NG DIYOS, TUMULONG SA PAGPAPAUNLAD NG KATAUHAN NG BAWAT KASAPI NG SAMAHAN, AT TUMUPAD SA ADHIKAIN NG DIYOS SA TAO

SA PAMAMAGITAN NG PAGSUNOD SA MGA LAYUNING ITO, ANG ISANG NAGHAHANAP SA DIYOS AY MAKAKASUMPONG SA KANYA,
AT HINDI PAGKAKAITAN NG KANYANG LIWANAG


PALIWANAG:

KUNG MERON PO KAYONG MAKITANG TAO NA NAGSASABI NA KASAPI SIYA NG D.E.U.S.(G.O.D.) PERO TALIWAS NAMAN ANG KINIKILOS NIYA SA MGA NAKASAAD NA MGA LAYUNIN NG SAMAHAN NG D.E.U.S.(G.O.D.)- ANG TAONG YAON AY HINDI KASAPI NG DEUS(GOD).

KUNG SUMAPI MAN SIYA SA KAPATIRAN NG DEUS(GOD) PERO NILALABAG NAMAN NIYA ANG MGA LAYUNIN NG SAMAHAN, AY AUTOMATIKONG TANGGAL NA MULA SA SAMAHAN ANG GAYONG TAO.

MERONG BATAS ANG SAMAHAN NG DEUS(GOD) NA AUTOMATIKONG TANGGAL SA SAMAHAN ANG ISANG KASAPI NA SINASADYANG LABAGIN ANG 7 LAYUNIN NG SAMAHAN.

SINUMANG KASAPI NG SAMAHAN NA KASAMAAN ANG GINAGAWA, O LUMALABAG SA LAYUNIN NG SAMAHAN, AY DISKOMUNIKADO AUTOMATIKO AT TANGGAL NA SA SAMAHAN NG DEUS(GOD).

MABABALIK LAMANG SIYA SA SAMAHAN KAPAG NAGSISI NG TAIMTIM, NAGSIKAP MAGBAGO AT MAGBALIK-LOOB SA DIYOS, AT ISABUHAY ANG KATUWIRAN NG DIYOS.

ITO PO ANG OPISYAL NA PAHAYAG NG SAMAHAN UKOL SA MGA KASAPI NITONG LUMALABAG SA MGA LAYUNIN NG DEUS(GOD).

AD MAJOREM DEI GLORIAM
ALPHA ET OMEGA

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.