BARAKHI NAFSHI ET-ADONAI,
V’KHOL-KERAVAI ET-SHEM KODSHO
PURIHIN ANG DIYOS NG BUO KONG KALULUWA,
AT NG LAHAT LAHAT SA AKIN!
PAPURIHAN ANG KANYANG BANAL NA PANGALAN.
AMEN
ITO PO ANG LAYUNIN NG
DIVINONG ESTADO UNIBERSONG SAMAHAN
(GEOMETRY OF DIVINITY)
O KILALA BILANG
D.E.U.S. (G.O.D.)
ANG 7 LAYUNIN NG D.E.U.S.(G.O.D.)
1
ISABUHAY ANG TATLONG GINTONG SIMULAIN:
MAKADIYOS, MAKABAYAN, AT MAKATAO
2
ISAGAWA ANG PAG-IBIG SA DIYOS, PANANAMPALATAYA AT PAG-ASA SA PAMAMAGITAN NG TIYAGA
3
ISAKATUPARAN ANG KABUTIHAN, KATUWIRAN, KALINISAN, KATOTOHANAN, KADALISAYAN, KALIWANAGAN, AT KABABAAN NG KALOOBAN
4
IPALAGANAP ANG PAGKAKAISA, PAGMAMAHALAN, PAGTULONG SA KAPWA, PAGMIMISYON, PAGLILINIS NG SARILI, AT PAGBABAGO NA PAUNLAD
5
MAGKAROON NG PAGGAGALANGAN, PAG-UNAWAAN, AT PAGMAMAHALAN SA ISA’T-ISA BILANG MGA KAPATID AT KAPWA-TAO
6
MAGING DAKILA SA ISIP, SA SALITA, AT GAWA, PARA SA DIYOS, SA BAYAN, AT TAO
7
IPAGPATIBAY ANG KAUTUSAN NG DIYOS, TUMULONG SA PAGPAPAUNLAD NG KATAUHAN NG BAWAT KASAPI NG SAMAHAN, AT TUMUPAD SA ADHIKAIN NG DIYOS SA TAO
SA PAMAMAGITAN NG PAGSUNOD SA MGA LAYUNING ITO, ANG ISANG NAGHAHANAP SA DIYOS AY MAKAKASUMPONG SA KANYA, AT HINDI PAGKAKAITAN NG KANYANG LIWANAG.
PALIWANAG UKOL SA MGA LAYUNIN NG D.E.U.S. (G.O.D.)
1
ISABUHAY ANG TATLONG GINTONG SIMULAIN:
MAKADIYOS, MAKABAYAN, AT MAKATAO
ANG IBIG SABIHIN NG MAKA-DIYOS AY AYON SA TUNTUNIN NG DIYOS NG MGA DIYOS, PANGINOON NG MGA PANGINOON NA SI YHWH, AT SANG-AYON SA MGA DAKILANG ARAL NG ATING PANGINOONG SI JESU-CRISTO.
ITO ANG PAGTUPAD SA PINAKAMAHALANGANG UTOS.
(MATEO 22:37)
ANG PAGIGING MAKA-BAYAN AY HINDI PANGLUPANG MAKABAYAN KUNDI ANG PAGIGING KASAMA SA PAMAYANAN NG MGA SUMUSUNOD SA DIYOS AT NAGSUSUMIKAP SUNDIN ANG KANYANG KALOOBAN. SAMAKATUWID, AY “BAYAN NG DIYOS” O ANG KANYANG IGLESIA.
ANG PAGIGING MAKA-TAO AY SANG-AYON SA IKALAWANG PINAKAMAHALAGANG UTOS, ANG MAHALIN ANG KAPWA GAYA NG SARILI.
(MATEO 22:39)
KAYA ISINASABUHAY ANG MGA SIMULAING ITO SAPAGKAT ANG PANANAMPALATAYANG WALANG GAWA AY PATAY.
2
ISAGAWA ANG PAG-IBIG SA DIYOS, PANANAMPALATAYA AT PAG-ASA SA PAMAMAGITAN NG TIYAGA
ITO AY BASE SA ARAL NG TALATA NG 1 CORINTO 13:13 NA ANG PANANAMPALATAYA, PAG,ASA, AT PAG-IBIG AY NANANATILI, AT ANG PINAKADAKILA DITO AY ANG PAG-IBIG.
UKOL SA PAGTITIYAGA, SINASABI SA ROMA 5:4, ANG PAGTITIYAGA AY NAGBUBUNGA KATATAGAN, AT ANG KATATAGAN AY NAGBUBUNGA NG PAG-ASA.
SA ROMA 5:5 SINASABI NA HINDI TAYO NABIBIGO SA ATING PAG-ASA, SAPAGKAT ANG PAG-IBIG NG DIYOS AY IBINUHOS SA ATING MGA PUSO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU SANTO NA PINAGKALOOB SA ATIN.
NAKASULAT DIN SA ROMA 12:12 MAGALAK KAYO DAHIL SA INYONG PAG-ASA. MAGTIYAGA KAYO SA INYONG KAPIGHATIAN, AT LAGING MANALANGIN.
3
ISAKATUPARAN ANG KABUTIHAN, KATUWIRAN, KALINISAN, KATOTOHANAN, KADALISAYAN, KALIWANAGAN, AT KABABAAN NG KALOOBAN
ANG PAGSASAKATUPARAN NG KABUTIHAN AY BASE SA TALATA NG 3JUAN 1: 11 NA TULARAN ANG MABUTING HALIMBAWA. ANG GUMAGAWA NG MABUTI AY ANAK NG DIYOS.
SINASABI DIN SA EFESO 2:10 TAYO’Y KANYANG NILALANG, NILIKHA SA PAMAMAGITAN NI CRISTO JESUS UPANG IUKOL NATIN SA ATING BUHAY SA PAGGAWA NG MABUTI, NA ITINALAGA NA NG DIYOS PARA SA ATIN NOON PANG UNA.
NASUSULAT DIN SA ROMA 12:21, HUWAG KANG PADAIG SA MASAMA, KUNDI DAIGIN MO NG MABUTI ANG MASAMA.
ANG PAGSASAKATUPARAN NG KATUWIRAN AY NAKASAAD SA TALATA NG ROMA 6:18 PINALAYA NA KAYO SA KASALANAN AT NGAYO’Y MGA ALIPIN NA NG KATUWIRAN.
ANG PAGSASAKATUPARAN NG KALINISAN AY NASUSULAT SA 1 CORINTO 5: 7 “ALISIN NINYO ANG LUMANG LEBADURA, ANG KASALANAN, UPANG KAYO’Y MAGING MALINIS.
SA GAYON, MATUTULAD KAYO SA ISANG BAGONG MASA NA WALANG LEBADURA-AT GANYAN NGA KAYO. SAPAGKAT NAIHANDOG NA ANG ATING KORDERONG PANGPASKUWA- SI CRISTO.
ANG PAGSASAKATUPARAN NG KATOTOHANAN AY ANG PAGSASAKATUPARAN NG MGA ARAL NG PANGINOONG JESU-CRISTO, SAPAGKAT NASUSULAT SA JUAN 8: 31-32 “SINABI NAMAN NI JESUS SA MGA JUDIONG NANINIWALA SA KANYA, “KUNG PATULOY KAYONG SUSUNOD SA AKING ARAL, TUNAY NGANG KAYO’Y MGA ALAGAD KO; MAKIKILALA NINYO ANG KATOTOHANAN, AT ANG KATOTOHANAN ANG MAGPAPALAYA SA IYO.”
SINO O ANO ANG KATOTOHANANG ITO?
NASUSULAT SA JUAN 14:6-7 SUMAGOT SI JESUS, “AKO ANG DAAN, ANG KATOTOHANAN, AT ANG BUHAY. WALANG MAKAPUPUNTA SA AMA KUNDI SA PAMAMAGITAN KO.
KUNG AKO’Y KILALA NINYO, KILALA NA RIN NINYO ANG AKING AMA. MULA NGAYON AY KILALA NA NINYO SIYA AT INYONG NAKITA.”
ANG PAGSASAKATUPARAN NG KADALISAYAN AY GANITO:
ANG PAGSASAKATUPARAN NG KALIWANAGAN AY
AYON SA NAKASULAT SA 2 CORINTO 3:16-18 NGUNIT PAGHARAP NG TAO SA PANGINOON, NAAALIS ANG TALUKBONG.
ANG PANGINOONG BINABANGGIT DITO AY ANG ESPIRITU, AT KUNG SAAN NAROON ANG ESPIRITU NG PANGINOON, NAROROON RIN ANG KALAYAAN.
AT NGAYONG NAALIS NA ANG TALUKBONG SA ATING MUKHA, TAYONG LAHAT ANG NAGIGING SINAG NG KANINGNINGAN NG PANGINOON.
AT ANG KANINGNINGAN IYON AY NAGMUMULA SA PANGINOON, NA SIYANG ESPIRITU, ANG BUMABAGO SA ATING ANYO UPANG MAGING LALONG MANINGNING, HANGGANG SA MAGING MISTULANG LARAWAN NIYA.
ANG PAGSASAKATUPARAN NG KABABAAN NG KALOOBAN AY AYON SA NAKASULAT SA ROMA 12: 16 “ MAGKAISA KAYO NG SALOOBIN. HUWAG KAYONG MAGMATAAS, KUNDI MAKISAMA SA ABA. HUWAG NINYONG IPALAGAY NA KAYO’Y NAPAKARUNONG.
NAKASULAT DIN SA 1 CORINTO 5:6 HINDI KAYO DAPAT MAGPALALO.
NAKASULAT DIN SA MATEO 5:5 MAPALAD ANG MGA MAPAGKUMBABA, SAPAGKAT TATAMUHIN SILA ANG IPINANGAKO NG DIYOS.
4
IPALAGANAP ANG PAGKAKAISA, PAGMAMAHALAN, PAGTULONG SA KAPWA, PAGMIMISYON, PAGLILINIS NG SARILI, AT PAGBABAGO NA PAUNLAD
ANG PAGPAPALAGANAP NG PAGKAKAISA AY ALINSUNOD PA RIN SA TALATA NG ROMA 12: 16 “ MAGKAISA KAYO NG SALOOBIN.
HUWAG KAYONG MAGMATAAS, KUNDI MAKISAMA SA ABA.
HUWAG NINYONG IPALAGAY NA KAYO’Y NAPAKARUNONG.”
ANG PAGPAPALAGANAP NG PAGMAMAHALAN AY ALINSUNOD PA RIN SA IKALAWANG PINAKAMAHALAGANG UTOS, ANG MAHALIN ANG KAPWA GAYA NG SARILI. (MATEO 22:39)
ANG PAGTULONG SA KAPWA SA AY AYON SA TALATA NG ROMA 12:13 TUMULONG KAYO SA PANGANGAILANGAN NG INYONG MGA KAPATID.
IBUKAS NINYO LAGI ANG INYONG MGA PINTO SA MGA TAGA-IBANG LUGAR.
ANG PAGMIMISYON AY ALINSUNOD SA NAKASULAT SA
MATEO 28: 19-20 KAYA, HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG BANSA. BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA, NG ANAK, AT NG ESPIRITU SANTO, AT TURUANG SUMUNOD SA LAHAT NG IPINAG-UUTOS KO SA INYO.
TANDAAN NINYO: AKO’Y LAGING KASAMA NINYO HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANLIBUTAN.”
ANG PAGLILINIS NG SARILI AY NASUSULAT SA 1 CORINTO 5: 7 “ALISIN NINYO ANG LUMANG LEBADURA, ANG KASALANAN, UPANG KAYO’Y MAGING MALINIS.
SA GAYON, MATUTULAD KAYO SA ISANG BAGONG MASA NA WALANG LEBADURA-AT GANYAN NGA KAYO.
SAPAGKAT NAIHANDOG NA ANG ATING KORDERONG PANGPASKUWA- SI CRISTO.
ANG PAGBABAGO NA PAUNLAD AY NAUUKOL SA TALATANG NAKASULAT SA 2 CORINTO 5:17 KAYA’T ANG SINUMANG NAKIPAG-ISA KAY CRISTO AY ISA NANG BAGONG NILALANG. WALA NA ANG DATING PAGKATAO; SIYA’Y BAGO NA.
5
MAGKAROON NG PAGGAGALANGAN, PAG-UNAWAAN, AT PAGMAMAHALAN SA ISA’T-ISA BILANG MGA KAPATID AT KAPWA-TAO
ANG PAGKAKAROON NG PAGGAGALANGAN AY ALINSUNOD SA NAKASULAT SA ROMA 13:7 IBIGAY NINYO SA BAWAT ISA ANG NARARAPAT SA KANYA: MAGBAYAD KAYO NG BUWIS SA KINAUUKULAN, GUMALANG SA NARARAPAT IGALANG, AT PARANGALAN ANG DAPAT PARANGALAN.
ANG PAGKAKAROON NG PAG-UUNAWAAN AY AYON SA NAKASULAT SA MATEO 5:9 MAPALAD ANG MGA GUMAGAWA NG SAAN SA IPAGKAKASUNDO, SAPAGKAT SILA’Y ITUTURING NG DIYOS NA MGA ANAK NIYA.
NASUSULAT DIN SA 2CORINTO 5: 18- ANG DIYOS ANG GUMAGAWA NG LAHAT NG ITO. SA PAMAMAGITAN NI CRISTO, IBINILANG NIYA AKONG KAIBIGAN- DI NA KAAWAY- AT HINIRANG NIYA AKO, UPANG PANUMBALIKIN SA KANYA ANG MGA TAO.
ANG PAGMAMAHALAN SA ISA’T-ISA BILANG KAPATID AT KAPWA-TAO AY ALINSUNOD SA IKALAWANG PINAKAMAHALAGANG UTOS, ANG MAHALIN ANG KAPWA GAYA NG SARILI. (MATEO 22:39)
NAKASULAT DIN SA ROMA 12:10 MAG-IBIGAN KAYO NA PARANG TUNAY NA MAGKAKAPATID, PAHALAGAHAN NINYO ANG IBA NANG HIGIT SA PAGPAPAHALAGA NILA SA INYO.
6
MAGING DAKILA SA ISIP, SA SALITA, AT GAWA, PARA SA DIYOS, SA BAYAN, AT TAO
UNA SA LAHAT, ANG DIYOS AY DAKILA.
NAKASULAT SA AWIT 145:3
“DAKILA ANG PANGINOON, AT MARAPAT NA PURIHIN; AT ANG KANIYANG KADAKILAAN AY HINDI MASAYOD.”
SINASABI SA MATEO 5:48 KAYA, DAPAT KAYONG MAGING GANAP, GAYA NG INYONG AMANG NASA LANGIT.
NASUSULAT: LUCAS 22:26 NGUNIT HINDI GAYON SA INYO. SA HALIP, ANG PINAKADAKILA ANG DAPAT LUMAGAY NA SIYANG PINAKABATA, AT ANG NAMUMUNO’Y TAGAPAGLINGKOD.
ANG PAGIGING DAKILA ANG ISIP, SA SALITA, AT SA GAWA AY PAGSUNOD NG KALOOBAN NG DIYOS.
AT ANG PINAKADAKILANG UTOS AY UKOL SA PAGMAMAHAL SA DIYOS NANG BUONG PUSO, NANG BUONG KALULUWA, AT NG BUONG PAG-IISIP.
ANG IKALAWANG PINAKADAKILANG UTOS, AY PAGMAMAHAL SA KAPWA GAYA NG SARILI.
(MATEO 22:36-40)
7
IPAGPATIBAY ANG KAUTUSAN NG DIYOS, TUMULONG SA PAGPAPAUNLAD NG KATAUHAN NG BAWAT KASAPI NG SAMAHAN, AT TUMUPAD SA ADHIKAIN NG DIYOS SA TAO
ANG PAGPAPATIBAY NG KAUTUSAN NG DIYOS AY BASE SA TALATA NG ROMA 7:12 ANG KAUTUSAN AY BANAL, AT ANG BAWAT UTOS AY BANAL, MATUWID AT MABUTI.
ANG PAGTULONG SA PAGPAPAUNLAD NG KATAUHAN NG BAWAT KASAPI SA SAMAHAN AY ALINSUNOD SA NAKASULAT SA ROMA 12:13 TUMULONG KAYO SA PANGANGAILANGAN NG INYONG MGA KAPATID. IBUKAS NINYO LAGI ANG INYONG MGA PINTO SA MGA TAGA-IBANG LUGAR.
ANG PAGTUPAD NG ADHIKAIN NG DIYOS SA TAO
AY BATAY SA FILIPOS 2:12-13 KAYA NGA, MGA MINAMAHAL, HIGIT NA KAILANGANG MAGING MASUNURIN KAYO NGAYON KAYSA NOONG KASAMA NINYO AKO. MAY TAKOT AT PANGINGINIG NA MAGPATULOY KAYO SA PAGGAWA HANGGANG MALUBOS ANG INYONG KALIGTASAN.
SAPAGKAT ANG DIYOS ANG NAGBIBIGAY SA INYO NG PAGNANASA AT KAKAYAHANG MAISAGAWA ANG KANYANG KALOOBAN.
PAPURI SA DIYOS NG MGA DIYOS, PANGINOON NG MGA PANGINOON. AMEN.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.