SA LAHAT NG MGA PUMANAW SA PAG-EESPIRITUAL, PAKIKIRAMAY SA INYO.
DARATING DIN ANG PANAHON NA ANG LAHAT NG MGA NABUBUHAY AY PAPANAW, AT ITO AY SA KANYA-KANYANG TAKDANG PANAHON.
MAPAPALAD ANG MGA NAMATAY HABANG TUMUTUPAD NG MGA GAWAING ESPIRITUAL, SAPAGKAT ANG BUHAY NG ISANG NAG-EESPIRITUAL AY INILAAN SA PAGTUPAD NG SAGRADONG TUNGKULIN, NA NAGMUMULA SA KAITAASAN.
ANG MGA SANDALI NG BUHAY NA INILAAN SA PAGGAWA NG MABUTI AY KAYAMANANG PANLANGIT.
SA PANAHON NG PAGHATOL NG DIYOS SA TAO, KANYANG TINITIGNAN ANG MGA BUNGA NG MGA GAWA, AT ANG KABUTIHANG NAGAWA NG TAO HABANG NABUBUHAY PA.
ANG MGA NAG-EESPIRITUAL NA GUMAGANAP NG KALOOBAN NG DIYOS AY MAGKAKAMIT NG BUHAY NA WALANG-HANGGAN SA PILING NG DIYOS.
SA LAHAT NG MGA PUMANAW SA PAGGANAP NG DALISAY NA ESPIRITUAL NA MGA GAWAIN, MAPALAD PO KAYO, SAPAGKAT ANG DIYOS AY MAKAKAPILING NINYO.
SA DIYOS ANG PAPURI MAGPAKAILANMAN.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.