Tuesday, February 9, 2010

ANG MGA GUMAGANAP SA ESPIRITUAL

PAPURI SA DIYOS!

BAWAT PINAGKALOOBAN NG ESPIRITUAL NA KAKAYAHAN AY MAY KATUNGKULANG DAPAT GANAPIN SA MUNDONG ITO.

ITO AY PAGGANAP NG KALOOBAN NG DIYOS AT PAGGAWA NG MABUTI.

ANG MGA TAONG GUMAGANAP SA ESPIRITUAL ANG SIYANG DAPAT PAGKALOOBAN NG SUWELDO SA ESPIRITUAL AT HINDI YUNG MGA TAONG WALANG GINAGANAP.


ANG DIYOS AY NAGKAKALOOB NG KARUNUNGAN AT KAPANGYARIHAN AT MGA PAGPAPALA. MAS UUNAHIN NIYA ANG MGA GUMAGANAP NG KANYANG KALOOBAN KAYSA SA MGA TAONG HINDI GUMAGANAP.

KUNG ANG TAO AY NAGHAHANAP NG DIYOS SA KANYANG BUHAY, GANAPIN NIYA ANG KALOOBAN NG DIYOS, MAGMISYON AT GAWIN ANG MGA GAWA NA UKOL SA KALOOBAN NG DIYOS, AT SUMUNOD SA DIYOS.

ANG HINDI GUMAGANAP NG KALOOBAN NG DIYOS AY HINDI MARAPAT NA SUWELDUHAN NG DIYOS, AT HINDI MARAPAT PAGKALOOBAN NG MGA KARUNUNGAN O KAPANGYARIHANG MULA SA DIYOS.

KUNG ANG ISANG TAO AY BINIYAYAAN NA MAGKAROON NG KARUNUNGANG ESPIRITUAL AT KAPANGYARIHANG ESPIRITUAL, MAY KAAAKIBAT O KASAMANG RESPONSIBILIDAD ITO AT TUNGKULING ESPIRITUAL NA NAKAATANG KASAMA NG ABILIDAD NA ITO. ANG MGA ABILIDAD ESPIRITUAL AY KAILANGANG ISULIT SA DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PAGGANAP NG KALOOBAN NG DIYOS AT SA PAMAMAGITAN NG MGA MABUBUTING GAWA.

MARAMI ANG MGA TAONG NAKIKIAMOT O NAGTATAGLAY NG MGA ORASYON O MGA BANAL NA PANGALAN PERO SALAT O KULANG NAMAN SA GAWA.

KUNG ANG MGA TAONG ITO AY HINDI GAGANAP NG KALOOBAN NG DIYOS AT HINDI GAGANAPIN ANG KABUTIHAN, AY MAHUHUKUMAN ANG MGA TAONG ITO NG DIYOS AT TATANGGALIN SA KANILA KUNG ANO ANG MERON SILA UPANG IPAGKALOOB SA MGA GUMAGANAP.

ITO ANG PATAKARANG-ESPIRITUAL: ANG SINUMANG HINDI GUMAGANAP AY MAWAWALAN NG KUNG ANO ANG MERON SILA AT IPAGKAKALOOB SA MGA GUMAGANAP NG KALOOBAN NIYA.

ITO AY PATAKARAN MULA NG UNA PA.

ANG PANAHON NG TAG-ANI AY DUMADATING NA, AT ANG MGA MANG-AANI AY NASA MGA LUPAIN NA UPANG ANIHIN ANG DAPAT NA ANIHIN.

SANA AY TRIGO NA ABUTAN NG MAG-AANI ANG MGA AANIHIN AT HINDI BILANG DAMO NA ANG SILBI AY SA SUNUGAN.

NAWA AY MASIPAGSISI NA ANG LAHAT SA MGA NAGKAKASALA AT MASIPAGBAGO NA NG KALOOBAN ANG LAHAT NG MGA MAY MASASAMANG-LOOB BAGO MAHULI ANG LAHAT.

PAPURI SA DIYOS NG MGA DIYOS, PANGINOON NG MGA PANGINOON. AMEN

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.