Thursday, July 23, 2009

ANG MGA ORACION AT BANAL NA PANGALAN AY MAY KINATUTUGMAAN NA TAO

PAPURI SA DIYOS!

MAY ARAL UKOL SA MGA ORACION NA MAINAM NA MALAMAN NG SINUMANG NAGNANAIS NA MAGTANGAN NITO.

UNA SA LAHAT, ANG TAONG PINAGKAKATIWALAAN NG MGA ORACION AY MARAPAT NA TUGMA SA ORACIONG IPINAGKAKALOOB.

ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT ANG MGA KATANDAAN NOON AY MAINGAT MAGKALOOB NG MGA ORACION- SINUSUBOK NILA ANG KAHANDAAN NG TAO KUNG MARAPAT SILANG TUMANGGAP NG ORACION O HINDI.

NOONG ARAW, BAGO KA PAGKALOOBAN NG ORACION AY KATAKUT-TAKOT NA HIRAP ANG MARARANASAN MO BAGO KA PAGKALOOBAN NG KARUNUNGAN.

ANG MGA PINAGKAKALOOB NOON NG MGA SINAUNA AY TOTOONG MATAPANG ANG BISA- SAPAGKAT ANG PINAGKAKALOOB NILANG MGA ORACION AY NAPONDOHAN NA AT TUGMA SA PINAGKALOOBAN.

NOONG ARAW, KAYA LUMALAKAS ANG BISA NG MGA ORACION AY DAHIL SAPAT ANG PONDO NG ORACION...

NGAYONG PANAHONG ITO, KAKAUNTI LAMANG ANG MATIYAGANG NANANALANGIN AT ANG NAIS NG MARAMI AY HADALIANG BISA.

KUNG NAIS NINUMAN NA MAGKABISA ANG KANILANG MGA TANGAN, AY KINAKAILANGAN ANG TIYAGA AT MATIBAY NA PANINIWALA SA ISINASAGAWA.

TOTOONG MAY MABIBISANG MGA SAGRADONG SALITA- ANG MGA ITO AY DUMEDEPENDE ANG BISA SA TAONG NAGTATANGAN NITO.

MAY TAO NA NAGPADALA NG GANITONG EMAIL SA AKIN:

please give me a sample of the words of power that can activate thunders and lightnings. then after that i may be able to get the whole copy of your book/version of metatron.hahahaha

SINUMANG TAO NA MAGBABASA NITONG GANITONG MESSAGE AY ANO ANG IISIPIN?

SINUMAN AY HINDI MAAARING BILHIN ANG BISA NG ANUMANG ORACION.
MAGPAKAHIRAP ANG BAWAT ISA NA MAGPABISA NG MGA ORACION NA KANILANG TANGAN SA PAMAMAGITAN NG MATIYAGANG PAGDIDIBUSYON, PAGPOPODER AT PAGPOPONDO.

SABI NGA NG ISANG MATANDA NA KASAPI NG 5 VOCALES 7 VIRTUDES- SA PAG-EESPIRITUAL AT PAGPAPABISA NG MGA ORACION AY MASAHOL PA SA PANGLILIGAW. SA PANLILIGAW, ALAM MO KUNG BIGO KA O HINDI SA NILILIGAWAN MO. SA PAG-EESPIRITUAL AT PAGPAPABISA NG MGA ORACION, HINDI SASABIHIN SA IYO KUNG ANG IYONG GINAGAWA AY MAY PATUTUNGUHAN O WALA.

SA AKLAT NG METATRON, NASUSULAT:

PANGBUKAS SA KULOG AT KIDLAT NA NASA ALAPAAP

SATUS BATOMATAC IUCTAC VITMA ZITURMA PAX ZAX AXZ


UPANG ANG MAGKARGA NG KARMA O PARUSA SA ORACIONG ITO AY ANG GAGAMIT NITO NA MAKAKADISGRASYA O MAKAPAHAMAK SAKALING UMEPEKTO ANG SALITANG ITO SA INYO, AY MAGTATAGUBILIN AKO.

PINOST KO ITO DAHIL ME HUMILING NG ORACIONG ITO.

KUNG SAKALING BUMISA ANG ORACIONG ITO SA SINUMANG GUMAMIT NITO, ANG RESPONSIBILIDAD SA MGA EPEKTONG IDUDULOT NG ORACIONG ITO AY SA SUMUBOK NG ORACIONG ITO.

HINDI LAHAT AY KARAPAT-DAPAT PAGKALOOBAN NG BISA NG ORACIONG ITO.
HINDI MAAARING PANGUNAHAN ANG DIYOS SA BAGAY NA ITO.

AT KUNG SAKALING BUMISA ANG ORACIONG ITO SA INYO AT MAKADISGRASYA YUNG KULOG AT KIDLAT NA LUMITAW, ANG KARMA NG MGA DISGRASYA AT BUHAY NA MAWALA DAHIL DITO AY KAKARGA SA TAONG PINAGBISAAN NG ORACIONG ITO.

ANG EBOOK NI METATRON AY HALAW SA 4 NA AKLAT NI METATRON, AT ANG ISA DITO AY MULA KAY PADRE E. MIRANDA, NA SULAT-KAMAY. ANG 2 AY SA SINAUNANG AKLAT NI METATRON NA HINDI KILALA ANG MAY-AKDA- SULAT-KAMAY, AT ANG ISANG AKLAT AY MULA SA AKLAT MULA SA IBANG BANSA.

ANG PARTIKULAR NA ORACIONG ITO AY MULA KAY PADRE E. MIRANDA, SA SULAT- KAMAY NA AKLAT NA INAKDA MAYO 8, 1948.

PANGBUKAS SA KULOG AT KIDLAT NA NASA ALAPAAP

SATUS BATOMATAC IUCTAC VITMA ZITURMA PAX ZAX AXZ

KUNG SAKALING BUMISA ANG ORACIONG ITO SA SINUMANG GUMAMIT NITO, ANG RESPONSIBILIDAD SA MGA EPEKTONG IDUDULOT NG ORACIONG ITO AY SA SUMUBOK NG ORACIONG ITO.

RESPONSABLE ANG BAWAT TAO SA KANYANG PAGKAKASALA.

KUNG SINO ANG MAGKASALA, SIYA ANG MAPARUSAHAN.

MAGANDANG GABI.

PAPURI SA DIYOS!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.