PAPURI SA DIYOS!
ANG ILAN SA MGA NASUSULAT NA ITO AY PARAAN NG PAG IINGAT NG MGA ORACION:
SIKAPIN NINYONG INGATAN ITO AT HUWAG PAHAHAKBANGAN.
HUWAG NINYONG DALHIN SA MGA LUGAR NA MARAMING BASURA, O PALINGKURAN NA NAKALANTAD.
ANG MGA ORACIONG NAKASAAD SA AKLAT
AY MAY MGA BATAS NA SINUSUNOD.
ITO ANG MGA SUMUSUNOD:
1. GAMITIN ANG MGA ORACION SA TAMANG PAGKAKATAON AT SA TAMANG PAGGAGAMITAN.
2. HUWAG GAGAMITIN ANG MGA ORACION DITO SA WALANG KABULUHANG BAGAY.
3. MAY MGA HABILIN ANG BAWAT ORACION- TUPARIN ANG MGA BILIN NA ITO UPANG MAGKAMIT NG BISA ANG MGA ORACIONG NABANGGIT.
4. HUWAG ITUTURO ANG ORACION SA MASASAMANG-LOOB.
ANG NAGTURO ANG MAGPAPASAN NG KAPARUSAHAN SA MALING PAGGAMIT NG MGA ORACION NG AKLAT NA ITO.
ANG NAGTURO AY HINDI MAGPAPASAN SA PAGKAKAMALI NG NATURUAN KUNG LAHAT NG TAGUBILIN AY IPINAGKALOOB SA TAONG HUMIHINGI NOON.
SA GAYONG PAGKAKATAON, ANG MALING PAGGAMIT NG NASABING ORACION AY PAPASANIN NG TAONG GUMAMIT NITO SA MASAMA.
5. HUWAG PAHAHAWAKAN NI IPAKIKITA ANG MGA ORACION SA TAONG WALANG LIHIM.
6. GAMITIN HANGGANG MAAARI, SA PAGGAWA NG MABUTI ANG MGA ORACION, UPANG UMANI KAYO NG MAGANDANG SUWERTE, MAAYOS NA PAMUMUHAY, AT BUHAY NA MAY LIGAYA AT KAPAYAPAAN.
KUNG ANO ANG ITINANIM, AY SIYA RING AANIHIN.
7. MAGING MALILIMUSIN, AT MATULUNGIN. TINUTULUNGAN NG DIYOS ANG MARUNONG TUMULONG SA KAPWA.
8. MAGKAROON NG AWA SA KAPWA-TAO. ANG MARUNONG MAAWA SA KAPWA AY KAAAWAAN DIN NG DIYOS.
SANA MAKATULONG SA INYO ANG MGA TAGUBILING ITO.
ANG LAHAT NG MASASAMANG GAWA AY MAY KAAKIBAT NA PARUSA.
ANG LAHAT NG KASAMAAN AY MAY KABAYARANG PARUSA SA TAKDANG PANAHON.
WALANG MAKAKATAKAS SA HUSTISYA NG DIYOS.
ANG TAO AY AANI AYON SA KANYANG ITINANIM.
ANG LAHAT NG MASASAMANG TAO AY MAY TAKDANG PANAHON NG KAPARUSAHAN.
PAPURI SA DIYOS! WALANG KINIKILINGAN ANG DIYOS AT HINDI MAAARING MASUHULAN ANG DIYOS!
AD MAJOREM DEI GLORIAM
ALPHA OMEGA
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.