Monday, July 20, 2009

PAGTATAE

PAPURI SA DIYOS!

SINASAAD SA BABASAHIN UKOL SA PAGTATAE MULA SA COMMUNICATING CHRIST ANG UKOL SA PAGGAGAMOT SA BAHAY UKOL SA PAGTATAE.

HUMINGI SA HEALTH CENTER NG ORS PACKETS AT IHALO ITO SA MALINIS NA TUBIG O GAWIN ITONG NATIMPLAHANG TUBIG PARA SA MGA NAGTATAE:

1. MAGPAKULO NG TUBIG NG 10 MINUTO. PALAMIGIN.

2. MAGLAGAY NG 1 LITRONG TUBIG SA MALINIS NA BOTE.

3. MAGLAGAY NG 2 HANDSFUL NG ASUKAL (1/2 TASA)

4. MAGDAGDAG NG 3 KUROT NA ASIN (1/2 KUTSARITA)


SA BATANG KULANG 2 TAON:

MAGBIGAY NG 1/2 TASA NG NATIMPLAHANG TUBIG PAGKATAPOS NG BAWAT BULOS NG TAE. GUMAMIT NG KUTSARA SA PAGPAPAINOM.

ITULOY ANG PAGPAPASUSO AT MAGBIGAY NG KARAGDAGANG INUMIN UPANG HINDI MATUYUAN.


SA BATANG 2-10 TAON:

MAGBIGAY NG 1/2 HANGGANG 1 TASA NG NATIMPLAHANG TUBIG PAGKATAPOS NG BAWAT BULOS NG TAE.


SA HIGIT 10 TAON:

PAINUMIN NG MARAMING FLUIDS.

ITULOY ANG PAGKAIN NG MGA PRUTAS TULAD NG SAGING, BUKO, ATBP. UPANG HINDI MAGKULANG SA SUSTANSYA.

HUWAG MAGBIGAY NG GAMOT NA PIPIGIL SA PAGTATAE O PAMPURGA.


KAILANGANG PUPUNTA SA OSPITAL:

1. MARAMING BULOS NA TAE
2. DUGO SA TAE
3. HINDI KAYANG KUMAIN, UMINOM, O SUMUSO SA INA
4. PAULIT-ULIT NA PAGSUSUKA
5. TULOY-TULOY NA LAGNAT
6. LAMPAS NA NG 3 ARAW NA PAGTATAE.


PAANO IIWASAN ANG PAGTATAE?

1. MALINIS NA TUBIG
2. MALINIS NA PAGKAIN
3. MALINIS NA TAO
4. MALINIS NA BAHAY

NAWA AY MAKATULONG ITO SA INYO.

PAPURI SA DIYOS! AMEN.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.