SA DIYOS ANG PAPURI MAGPAKAILANMAN. AMEN.
ANG SABI UKOL SA KAHOY SINUKUAN,
AY ITO AY ISANG HALAMAN NA ANG NAKAPALIGID NA MGA HALAMAN O PUNO AY TUMUTUBONG NAKAYUKO SA KANYA.
ANG ISA PANG PANGALAN PARA SA KAHOY NA ITO AY KAHOY NG BIRHEN.
SA MGA NAKASUBOK NITO, SINASABI NILA NA MABISA ITO BILANG TAGABULAG- HINDI MAPAPANSIN ANG MAY TANGAN NITO KUNG PINAGHAHANAP SILA O ME NAGTATANGKA SA KANILA.
ANG ISA PANG BISA DAW NG SINUKUAN AY NAKAKAPAGPALUBAG-LOOB ITO NG MGA TAO, LALO NA SA MGA TAONG MASASAMA AT MGA ME KASUPLADAHAN.
SINASABI NG IBA NA PAG IPINASOK ITO SA SIMBAHAN, AY MAKAKARINIG ANG TAO NG PAGKULILING (RINGING) SA SARILING TAINGA AT ANG IBA AY TUNOG NG KAMPANA NA SILA ANG MAKAKARINIG.
ME SINASABI ANG IBA NA IBANG GRADO NG SINUKUAN KUNG SAAN PATI DAMO AY NAGSISIYUKUAN SA MAY TANGAN NITO.
MINSAN AY PINALAD AKO MAGKAROON NG KAHOY NA GANITO MULA SA MAMUMUNDOK SA QUEZON- NA NAKUHA NIYA SA PAGHUKAY NG UGAT NG PUNONG NIYUYUKUAN NG IBANG MGA PUNO.
HINDI SILA MAKATABAS DAW SA MISMONG PUNO DAHIL SA PINALILIBUTAN ITO AT BINABANTAYAN DAW NG MGA ARMADONG TAO.
PARA SA AKIN, NUNG TANGAN KO ITO AY AWA NG DIYOS WALA NAMANG KAPAHAMAKAN O GULO NA DUMATING SA AKIN.
KUNG PUMASOK AKO SA SIMBAHAN NA DALA ITO, MERON PARANG KULILING (RINGING) NA NARIRINIG SA KATAGALAN PERO PAMINSAN-MINSAN LAMANG NANGYAYARI.
SA TAGABULAG, ME PAGKAKATAONG KUSA NA LAMANG ITO GUMAGANA- HINDI AKO NAPAPANSIN NG AKING KASAMA MINSAN SA LAKARAN.
HINDI SA LAHAT NG PAGKAKATAON AY MABISA SIYA...
KADALASAN, KUSA NA LAMANG SIYA GUMAGANA.
ME PAGKAKATAON NA KUSANG NAWAWALA ITO KUNG HINDI MO ISUSUPOT.
SANA MAKATULONG ANG IMPORMASYONG ITO.
PAPURI SA DIYOS!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.