ILAW
(ginawa ito noong taong 2000)
ANG DIYOS AY LIWANAG NA WALANG DILIM.
SIYA AY LIWANAG NA WALANG KAPANTAY.
SA KANYANG LIWANAG, ANG MGA DAIGDIG AY NAGAWA,
ANG MGA ESPIRITU AY NALIKHA.
MULA SA LIWANAG NG DIYOS ANG LAHAT AY NABUBUHAY,
HINDI MABILANG NA MGA NILALANG
ANG NABUBUHAY SA KANYANG LIWANAG.
WALANG KADILIMAN ANG SA KANYA
ANG PAG-IBIG NG DIYOS AY LIWANAG
NA HINDI MAKIKITA NG ANUMANG MATA,
NGUNIT ITO AY LAGANAP, AT LUMILIKHA.
ITO ANG NAGBIBIGAY NG BUHAY NA WALANG HANGGAN,
AT PINAKAMATINDING LIWANAG SA NILALANG.
ANG ILAW NG DIYOS AY MITHIING KAMTIN
SA PAG-IBIG NIYA ITO AY SISIBOL MANDIN.
KUNG ANG TAO AY NATUTO NA MAGMAHAL NG TOTOO,
SISILAY ANG ILAW NG DIYOS SA KANYANG KATAUHAN
PAG NANGYARI ANG YAON, MAWAWALA ANG DILIM.
SISILAY ANG BAGONG PAG-ASA NG KALIGTASAN SA MUNDO.
ANG LIWANAG NG DIYOS AY SUMISIBOL AT LUMULUKLOK
SA MGA TAONG MAY PAG-IBIG AT PAGMAMAHAL NA TOTOO.
SA ILAW NG DIYOS, AT KANYANG PAG-IBIG, WALA NANG DILIM.
NI KAMATAYAN AY MAGIGING PANSAMANTALA LAMANG.
SAPAGKAT ANG PAG-IBIG NG DIYOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN
ITO AY PARA SA TOTOONG MAGMAMAHAL NANG WALANG PASUBALI
O DIYOS NG MGA DIYOS, KAAWAAN MO PO KAMI…

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.