Thursday, June 4, 2009

Magandang araw po...

Magandang araw po sa inyo pong lahat...

Nawa ang pagpapala ng Dakilang Lumikha ay sumaating lahat.

Pinasisikat ng Diyos ang Kanyang araw sa lahat, mabuti man o masama.

Sa Diyos ng mga Diyos, Panginoon ng mga panginoon
ang papuri at parangal magpakailanman. Amen

Kung mapapansin nyo po sa blog na ito na nagpopost na po ako ng mga video.

Huwag po ninyo sana akong pagtawanan kung bakit po lately ako nagpost ng video at hindi pa noon:

Lately ko lang po natutunan kung paano mag-post ng video sa blog....

Nakakalungkot nga po, dahil marami na akong video files na nabura sa USB ko na gusto ko po i-share sana sa inyo....

Noong matuto ako kung paano mag-post ng video,
nanalangin po ako ng gabay sa Diyos kung ano po
ang patakaran po sa pagpost ng mga video.

Me liwanag na bumaba matapos ng panalangin at natanggap ko po ang mensahe na ito:

Kapayapaan ay sumaiyo at sa lahat ng sangkatauhan na may busilak na puso.

Ukol sa iyong katanungan at mga kasagutan dito:

Ang anuman na ilalagay mo ukol sa mga kahiwagaang inililihim,
isang beses magagawa, kukunan, at hindi mo na uulitin.

Hindi mo na maaaring maulit pa
ang mga kakayahang ipinakita na.

Kung ang Salita ay hindi pinaniwalaan,
mas lalo tao ay hundi pakikinggan.

Noong magkatawang-tao ang Diyos,
Siya ay hinamak, at pinako sa krus.

Namatay at nabuhay muli ang Anak ng Diyos,
ngunit marami sa tao ang nanatiling walang Diyos.

Ang tao ay maniniwala kung ano ang nais niyang paniwalaan.
walang uri ng patibay ang sapat sa puso at isipang sinarahan.

Natatandaan mo ba ang kuwento ukol sa mayamang tao
at si Lazarus na pulubi at tadtad ng sugat?

mababasa ito sa ebanghelyo ni Lukas (Luke 16:19-31)

Sa huli ng kuwentong ito nasusulat: kung si Moises nga at mga propeta ay hindi nila pinakinggan, hindi rin sila makikinig kung meron patay na muling mabuhay na magsasalita sa kanila.

Manatili ka sa iyong mga gawain,

at huwag isipin ni isadiwa ng iba na sasabihin.

Gawin ang marapat sa araw-araw para sa Diyos.

At ang lahat ay gawin ng may pag-ibig at sa ayos.

Maigsi lamang ang buhay...

Hiram sa Diyos ang buhay...

Lahat ng mga ito ay hiram sa Kanya...

Lahat ng ito ay ibabalik na sa Kanya...

Pagpapala ay sumaiyo,
at sa lahat ng may busilak na puso.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.