TANIM
(ginawa noong taong 2000)
Tulad ng pagtatanim, ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay naitatanim din…. Gayundin ang kasamaan sa kapwa…. Kadalasan, dahil sa pagiging makasarili at pagdadamot, ang mga tao ay nakakatanim ng binhi ng kasamaan sa puso ng kanilang mga kapwa…. Kaawa-awa kung ang binhing ito ay tumubo at magkaugat… sapagkat ang masamang binhi ay lason sa diwa. Ito ay sumisira ng mga pagsasamahan, ng mga pagkakaibigan, at nagiging sanhi ng kahirapan, kalungkutan, kapighatian, at kasawian.
Ang mabuting binhi ay parang dalisay na batis para sa isang halaman. Ito ay nagbubunga ng pagmamahal, katiwasayan, kagamutan, pagkakasundo, kaligtasan at kabutihan… Ito ay maitatanim lamang ng mga taong nagtataglay ng mabuting binhi….. Ang Diyos ay mabuti, at Siya ang pangunahing nagtatanim ng mabubuting mga binhi sa mga taong nais nya. Ang pangunahin sa mga binhing ito ay ang pag-ibig ng Diyos… Ang pag-ibig ng Diyos ay pinakadakila sa lahat. Ang taong nagtataglay ng pag-ibig ng Diyos ay umiibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili, nagmamalasakit, at nagmamahal, na walang malisya, na walang masamang iniisip, na walang masamang diwa….
Ang mabuting binhi pag yumabong ay magbubunga. Maitatanim ang mga bungang ito sa iba, at sisilay ang bagong pag-asa na magkaroon ng mas mabuting mundo para sa hinaharap…
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.