Wednesday, May 13, 2009

AKLAT NG ASAYAH

HALIMBAWA NG NILALAMAN NG AKLAT NG ASAYAH:

ARAL


ANG TAO AY TEMPLO NG ALPHA OMEGA.

SAMAKATUWID, ANG TAO ANG TINATAHANAN NG DIYOS DITO SA LUPA.

ITO ANG TINATAWAG NA TUNTUNGAN NG DIYOS DITO SA LUPA.

KUNG ANG TAO AY GUMAGAWA NG MABUTI, ITO AY HINDI MULA SA KANYANG SARILI, KUNDI DAHIL MAYROONG DIYOS SA KANYANG KALOOBAN.

ANG TAO AY MAGIGING TEMPLO NG ALPHA OMEGA KUNG ISASABUHY NIYA ANG SALITA NG DIYOS, AT MGA ARAL NG SALITA NG DIYOS.

SAPAGKAT LAHAT NG PINAMAMAHAYAN NG SALITA NG DIYOS AY TEMPLO NG DIYOS.

WALANG TEMPLO NG DIYOS ANG HINDI PINILI O HINIRANG NG DIYOS.

ANG KATOTOHANAN UKOL SA BANAL NA KASULATAN AY NAGSASAAD NA KUNG HINDI TEMPLO NG DIYOS ANG ISANG TAO, SIYA AY ISANG HAYOP.

AT ANG PAGKAHAYOP NA ITO AY BUNGA NG HINDI PAGKILALA SA DIYOS.

SINASABI NA WALANG SINUMANG TAO ANG HINDI NAGKASALA.

TOTOO ITO.

NASA BANAL NA KASULATAN ITO.

KUNG KAYA ANG PAMANTAYAN NGAYON AY ANG PANANAMPALATAYA SA DIYOS AT SA KANYANG BUGTONG NA ANAK, KATAPATAN NG PUSO SA DIYOS, PAGPAPASAKOP SA DIYOS AT SA KANYANG SALITA, AT PAGSUSUMIKAP NA ISABUHAY ANG KAUTUSAN NG DIYOS.

KUNG MABUWAL AY BUMANGON.
KUNG MAGKASALA AY MAGSISI.
KUNG MAGKAMALI AY MAGBAGO.

WALANG TAO ANG HINDI NAGKAKASALA.

MAINAM SA ISANG TAO NA GUMAGANAP NG MGA ESPIRITUAL NA BAGAY NA MAGKAROON NG PAGPAPASAKOP SA DIYOS AT MAGSUMIKAP NA ISABUHAY ANG UKOL SA MGA ARAL NG DIYOS.

MARAMING MGA PROBLEMA AT MGA PAGKAKAMALI NA NAGAGAWA ANG BAWAT TAO.

ANG MAHALAGA AY HABANG MAY BUHAY,
MAGSUMIKAP NA MAGING DAPAT SA DIYOS,
AT GANAPIN ANG KANYANG KALOOBAN.

AD MAJOREM DEI GLORIAM...

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.