Dear Ka Mon,
Ako po ay kaibigan ni O na miembro ng DEUS. Nagulat po ako na may naglalabasang chismis ukol sa pagiging commercial po. Naalala ko po ang sinabi ng ating mahal na Panginoon na "wag tayung huhusga upang di tayu husgahan". Hindi man po ako lubos na maalam sa mga lihim na karunungan pero simpleng bagay nalang po ito na pagpapakatao. Lubusan ko po kayun sinusuportahan. Kung may pagkakataon po at makapasok ako sa aking inaaplyan na trabaho makatulong rin po sana ako. Pagpalain po kayu at kasama po kayu saking mga Dasal. Tanong ko lang po may miyembro po kayu rito sa Vancouver canada?
R
From ka K,
nabasa ko ang blog mo.
Naniniwala me sa sinabi nyo dun.
God bless you.
from ka N,
Ka mon..magandang gabi po...ako po'y naniniwala sa inyong mga layunin at ginagawa sa ating kapwa kahit po hindi ko po kayo lubos na kilala at hindi ko pa po kayo na-me-meet...naniniwala po ako na may dahilan ang Diyos kung bakit ko po kayo nakilala kahit dito po lamang sa internet...ako din po ay lubusan nagpapasalamat sa inyo dahil kayo po ang nagiging instrumento sa paghahandog sa ating kapwa ng aming mga donation sa inyo...kahit po may tumutuligsa sa inyo at sa inyong pamamaraan ay mananatili po ang paniniwala ko sa inyo dahil alam ko na ang laman ng puso at isipan nyo ay para sa ating Panginoon...maraming maraming pong salamat sa palagi nyo pong pagtulong sa amin...God Bless po.
From ka E- USA
Ka Mon,
Alam kong medyo upset ka doon sa taong naninira saiyo pero and mahalaga ay patuloy mong natutulungan iyong mga mahihirap na umaasa saiyong tulong.
Diyos ang huhusga sa ating mga tao. At hindi ang katulad ng taong iyan na ang iniisip niya ay para lang sa sarili niyang kapakanan.
Huwag mong hayaang masira ang araw mo gawa lang ng taong iyan. Marami ka pang labang dadaanan at alam ko rin na marami ka pang pagsubok na mahaharap at lahat ng ito ay malalampasan mo dahil ang Diyos ay andiyan lang sa tabi mo..
I am sure na mas marami ang nagmamahal saiyo dahil sa maganda mong puso at kalooban.
Kaya ngiti na diyan!! at maraming taong magugutom kapag hindi ka lumabas ng bahay.
At katulad ng ibang tumutulong saiyo para magawa mo ang kabutihang ito ay lagi akong tutulong ako saiyo sa abot ng aking kaya.
Always,
Ka E
Ka H- overseas
Ka Mon,
Musta na po sana po ay nasa mabuti at maayos kayo na kalagayan sa kabila na mga naninira sa Deus (GOD).Talaga pong ganyan kung alin po ang punong hitik sa bunga ang siyang binabato ng marami.Ako naman po eto medyo bising busy gawa po ng drydock kami sa panahong ito di sa Lisbon ,Portugal.Uuwi po ako ng 1st week ng July at magkitakita nalang po ulit tayo sa pag uwi ko.At musta nyo nalang po ako sa mga kapatid natin dyan sa espiritual at tita J.cge po God bless. Ad Majorem Dei Gloriam.
COMMENT:
Sa mga nagpadala ng mga commentary na nakasaad dito,
maraming salamat po...
God bless po...
Diyos na ang bahalang gumanti sa kabutihang-loob po nyo...
Habang buhay po ako, at pinagkakalooban ng Diyos ng kakayahan upang makatulong, gagawin ko po sa abot ng aking makakaya na tumulong sa kapwa, at ipagpatuloy ang mga misyon sa araw-araw...
Sa Diyos ng mga diyos, Panginoon ng mga panginoon ay ibinabalik ko ang lahat ng papuri, parangal, at kaluwalhatian...
sa Kanya ko inihahabilin ang lahat ng mga kasama sa pagmimisyong ito saanmang panig ng mundo man naroroon...
Isinasama ko na din sa paghahabilin ang lahat ng mga taong may mabubuting kalooban at gumaganap ng mga gawain ng Diyos...
Papuri sa Diyos ng mga Diyos, Panginoon ng mga Panginoon! Amen
AD MAJOREM DEI GLORIAM
ALPHA ET OMEGA
Ka Mon
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.