Wednesday, May 13, 2009

TESTAMENTO NINO JESUS 2

HALIMBAWA NG NAKASULAT SA TESTAMENTO NINO JESUS 2:

ANG MAGTATANGAN NG AKLAT NA ITO AY MAGSIKAP NA MATUPAD ANG MGA BAGAY NA ITO:


1. IBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIYOS NANG BUONG PUSO, NANG BUONG KALULUWA, AT NANG BUONG PAG-IISIP. (MATEO 22:37)

2. IBIGIN ANG IYONG KAPWA GAYA NG IYONG SARILI (MATEO 22:39)

3. ANG AKLAT NA ITO AY GAMITIN SA PAKIKIPAGLABAN SA MGA PINUNO, MGA MAY-KAPANGYARIHAN, AT MGA TAGAPAMAHALA NG KADILIMANG NAMAMAYANI SA SANLIBUTANG ITO- ANG MGA HUKBONG ESPIRITUAL NG KASAMAAN SA HIMPAPAWID. (EFESO 6:12)

GAMITIN ANG AKLAT NA ITO SA PAKIKIPAGLABAN SA MGA MASASAMANG ESPIRITU AT MGA DEMONYO.

4. ITURING NA SAGRADO ANG AKLAT NA ITO AT HUWAG BAYAANG MAPASAKAMAY SA MGA TAONG WALANG TAKOT SA DIYOS.


5. HUWAG NINYONG HATULAN ANG INYONG KAPWA UPANG HINDI KAYO HATULAN NG DIYOS.

HUWAG DIN PARUSAHAN ANG KAPWA AT HINDI KAYO PARURUSAHAN NG DIYOS.

MAGPATAWAD KAYO NG KAPWA AT PATATAWARIN KAYO NG DIYOS. (MATEO 7:1)

6. GAWING BIGKIS ANG KATOTOHANAN NI JESU CRISTO (EFESO 6:14)

7. ITAKIP SA DIBDIB ANG BALUTI NG PAGKAMATUWID. (EFESO 6:14)

8. ISUOT ANG PANYAPAK NG PAGIGING HANDA SA PANGANGARAL NG MABUTING BALITA NG PAKIKIPAGKASUNDO SA DIYOS (EFESO 6:15)

9. TAGLAYIN NINYO LAGI ANG KALASAG NG PANANALIG KAY CRISTO, BILANG PANANGGA AT PAMATAY SA LAHAT NG NAGLILIYAB NA PALASO NG MASAMA (EFESO 6:16)

10. ISUOT ANG HELMET NG KALIGTASAN (NI JESU-CRISTO) (EFESO 6:17)

11. KUNIN NINYO ANG TABAK NG ESPIRITU, SAMAKATUWID, ANG SALITA NG DIYOS (EFESO 6:17)

12. MAGING MASIPAG SA PANANALANGIN AT PAGSAMO SA DIYOS, AT MANALANGIN PARA SA MGA HINIRANG NG DIYOS. (EFESO 6:18)

13. MAGING TUNAY ANG INYONG PAG-IBIG.
KASUKLAMAN NINYO ANG MASAMA, PAKAIBIGIN ANG MABUTI. (ROMA 12:9)

14. TUMULONG KAYO SA PANGANGAILANGAN NG KAPATID. IBUKAS NINYO ANG INYONG PINTO SA MGA TAGA-IBANG LUGAR. (ROMA 12:13)

15. HUWAG ITUTURO ANG NILALAMAN NG AKLAT NA ITO SA HINDI KARAPAT-DAPAT. (MATEO 7:6)

SAPAGKAT ANG NAGTURO ANG MAGPAPASAN NG KAPARUSAHAN SA MALING PAGGAMIT NG MGA ORACION NG AKLAT NA ITO.


ANG AKLAT NA ITO AY NAGTATAGLAY NG MGA KAALAMAN UKOL SA PAGPUKSA NG KAPANGYARIHANG MULA SA KASAMAAN.


PAKAINGATAN LAMANG SAPAGKAT SA PANAHONG MAPAANDAR MO NA ANG NILALAMAN NG AKLAT NA ITO AY MAGKAKAROON KA NG KAPANGYARIHAN SA PAKIKIPAGLABAN SA MGA ALAGAD NG KASAMAAN.


HUWAG GAGAMITIN SA TAO ANG MGA NAKAKAPINSALANG MGA NILALAMAN NG AKLAT NA ITO, SAPAGKAT MAAARING IKAMATAY NG KAPWA TAO AT MAGING SAGUTIN MO PA ITO SA DIYOS.

NANG PINULBOS NG NINO ANG MGA MASASAMANG ESPIRITU AY ITO ANG KANYANG SINABI:___________________


ANG SABI NG NINO:

ANG MGA TAO AY WALANG KASING SAMA DAHIL ALIPIN SILA NI SATANAS. SI SATANAS ANG DIYOS NG MGA TAO DAHIL SILA AY ALIPIN NG MGA KASALANAN.

HUWAG MO NANG HANAPIN ANG DEMONYO, ANG DEMONYO AY NASA TAONG GUMAGAWA NG KASAMAAN.


ANG SABI NG DIYOS SA NINO

IKAW ANG HULING KALIGTASAN NA IBABABA KO SA LUPA.

ANG SINUMANG HINDI MANIWALA SA IYO PAGLAKI MO AY HINDI KO PAPAPASUKIN SA PARAISO.


ANG SABI NG NINO:

BABABA AKO SA ISRAEL BILANG JESU CRISTO.

AKO ANG MAGIGING KATUBUSAN NG TAO SA KAMAY NG DIYABLONG SI SATANAS.


ITO ANG INIUSAL UPANG ANG NINO AY MAGKATAWANG TAO:___________




AD MAJOREM DEI GLORIAM...

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.