QUESTION:
Ka mon...magandang hapon po..may tanong po sana ako sa inyo kung ano ang turo tungkol sa love po ni God sa atin...ang mga tao na masama po at hindi sumunod sa mga utos nya ay hindi po makakapunta sa langit?..ibig po sabihin po ba nito eh conditional po ang love ni God sa atin?...sana po ay magabayan nyo po ako ukol dito..maraming salamat po...God Bless po.
SAGOT:
Una sa lahat, ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan ay puspos na ibinigay Niya ang Kanyang sariling anak...
at lahat iyon dahil sa Kanyang pagmamahal...
Walang pagmamahal na higit pa na ang sarili mong anak
ay ibigay mo sa sangkatauhan upang matubos ito...
at wala nang pagmamahal na hihigit pa na sa pamamagitan ng pagsampalataya at pagtanggap sa Kanyang Anak ay magiging Anak din Niya tayo...
Matapos gawin ng Diyos ang ultimo sacrificio at winalanghiya pa ito ng tao, sa tingin mo ba nararapat pa rin ba iligtas ang mga taong lapastangan sa Diyos at sa Kanyang bugtong na anak?
Habang ang isang tao ay hindi pa nakakaunawa, at hindi mulat sa pag-ibig ng Diyos, ay may pag-asa Siyang maligtas dahil sa pag-ibig ng Diyos-kung masusumpungan niya ang pag-ibig ng Diyos, at gaganap ayon sa Kanyang pag-ibig...
Ngunit kung talagang masama ang isang tao, at halang ang kaluluwa, anong pag-ibig ng Diyos ang sapat upang ikaligtas ng gayong tao?
Ang batas ng Diyos ay pag-ibig... pag-ibig na patas...
kung ano ang ating "standard" sa iba ay ito rin ang gagamitin ng Diyos para sa ating mga sarili...
kung kaya sa huli, ang anumang ginawa natin sa iba ay babalik din sa atin...
kung ano ang paraaan natin ng paghusga sa iba, ito ang gagamitin sa atin...
At ito naman ay fair hindi ba?
Dahil mahal tayo ng Diyos, gagamitin Niya na panukat
ang batas na nasa ating mga puso sa Kanyang paghatol sa atin...
Kung kaya't sa huli, makikita natin na ang Diyos ay "fair" at "just" sa lahat ng aspeto...
at ang totoong pag-ibig ay patas... at mabuti para sa lahat...
What we sow we reap...What we do eventually returns to us...
Kung kaya ang 2 pinakamahalagang utos:
1
Mahalin ang Diyos ng buo- at higit sa lahat...
2
Mahalin ang kapwa gaya ng sarili.
Ang pagmamahal sa Diyos ay buo, at pagmamahal sa kapwa ay gaya ng pagmamahal sa sarili...
Makatarungan na suklian natin ang pagmamahal ng Diyos sa atin...
Marapat din na mahalin ang kapwa gaya ng sarili...
Dahil ang dalawang utos na ito ay mabuti at matuwid...
Sa huli, ang Diyos pa rin ang masusunod ano man ang naisin Niya...
Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi "unconditional" --- upang maging makatarungan ang Kanyang pag-ibig: dahil ang gagamitin Niyang pamantayan para sa atin ay ang pamantayang ginamit natin sa iba...
AD MAJOREM DEI GLORIAM
ALPHA ET OMEGA
Maraming salamat po Ka mon sa inyong pong pag-gabay ukol po dito...God Bless po.
ReplyDelete