Friday, May 15, 2009

AKLAT NG PERDICION DEUM

HALIMBAWA NG NAKASULAT SA PERDICION DEUM:

Ang mga oracion sa aklat na ito ay nagkakabisa lamang sa mga taong may nagagawang masamang nakasulat ayon sa titulo ng mga oraciong nabanggit.

Kapag ang iyong ginamitan ng mga oraciong ito ay walang pagkakasala o inosente sa iyong pinaparatang, ang mga nasabing oracion ay babalandra sa iyo o sa mahal mo sa buhay.

Huwag gamitin ang mga oraciong ito sa kasamaan, sapagkat tiyak na magdudusa ka sampu ng mahal mo sa buhay.

Kung nag-iisa ka sa buhay, pag ginamit mo ang oraciong ito sa masama ay ikaw mismo ang magbabayad ukol sa pagkakasala mo.

Kaya mahigpit kong tinatagubilinan na ang mga oracion sa aklat na ito ay gagamitin lamang ayon sa batas-espiritual na isinulat sa aklat na ito.

1
gamitin lamang ang anumang mapaminsalang oracion dito laban sa talamak na masasamang tao, lalo na sa mga gagawa ng hindi maganda sa kapwa

2
gamitin ang mga oraciong nakapaloob sa aklat na ito sa kabutihan, sa pagpaparusa sa totoong masasamang tao, at sa pagtatanggol ng mga naaapi. Ang mga oracion sa aklat na ito pag ginamit sa hindi nararapat paggamitan ay bumabalik sa nagpakawala




3
gamitin ang karunungan ng aklat na ito laban sa mga taong halang ang kaluluwa, mga criminal, mga pusakal, mga bandido, mga tulisan, mga mamamatay-tao, mga mangkukulam, mga mapang-api, at iba pang tulad nito.


4
bawal gamitin ang aklat na ito sa pangsariling kasiyahan, sa pang-aapi ng kapwa, sa paggawa ng kasamaan, o sa anumang bagay na tulad nito. Mawawalan ng bisa ang aklat na ito sampu ng lahat ng iyong kapangyarihan, karunungan, at mga abilidad spiritual kung pagkakasalaan mo ang paggamit ng aklat na ito.

5
Kung lumabag ka sa patakaran ng aklat na ito, ay may matatamo kang katumbas na parusa, at pagkawala na rin ng iyong poder. Ito ay upang mapigilan ka pa sa pagkakasala ng mabigat.

6
ang taong makapatay gamit ang anuman sa mga oraciong nakapaloob sa aklat na ito, na hindi kalooban ng Diyos, kundi ng sarili dahil sa pangsariling kadahilanan, ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos magpakailanman, maliban lamang kung isasakripisyo ang sariling buhay sa katubusan at kaligtasan ng kapwa-tao.

Ang mga nilalaman ng aklat na ito ay may automatikong kandado na pipigil sa bisa ng mga oraciong ito kapag sa kasamaan gagamitin. Kung makalusot man, ay maykaukulang parusa at kabayaran sa kasalanan na nakahanda.

May mga pagkakataon na ang tao ay kinakasihan ng demonyo at masasamang espiritu upang magsagawa ng kasamaan sa mundo. Sa ganitong pagkakataon, ang aklat na ito ay gagana sa pinakamabisa.

Nawa ang aklat na ito ay maging kasangkapan ng Diyos upang lupigin ang kasamaan, at maparusahan ang mga masasamang tao sa mundo.

Huwag gagamitin sa anumang kalokohan at huwag abusuhin sapagkat ang mga salitang nakapaloob dito ay kamangha-mangha at kataka-taka. Ito ay pumapatay ng anumang nilikha o nilalang at sumisira ng alinmang bagay na ginawa ng Diyos. Kung pagkasalaan mo ito ay sa Hades ang tuloy ng iyong kaluluwa pagkamatay, at ang tangi mong katubusan ay pag-aalay ng sariling buhay para sa kaligtasan ng kapwa-tao.

Pakaingatang bigkasin sa bibig sapagkat ang maabutan nito ay maaaring mamatay o sumuka ng dugo, lalo na kung nagkasala.

Gamitin lamang ito sa gumagawa ng masama at hindi sa mga taong gumagawa ng kabutihan sa kapwa. Sapagkat kung pagkasalaan mo ang gamit nito ay ikaw ang kabayaran sampu ng iyong mga mahal sa buhay.
May balik ito sa mga taong gagamit sa kapangyarihan nito sa pang-aabuso, o kasamaan.

Gamitin ang mga tigalpo sa aklat na ito sa pagtatanggol ng mga naaapi, sa pagpaparusa sa mga salbahe, sa mga masasamang tao, sa mga matapobre, sa mga magnanakaw, sa mga mamamatay-tao, sa mga criminal, sa mga mapang-insulto at mapang-hamak sa kapwa-tao, sa mga mapagsamantalang tao, at mga kauri nito.

Babala: kung sa taong walang pagkakasala sa iyo o sa mga taong hindi narapat na tigalpuhin ang iyong tinigalpo gamit ang mga nakasaad dito, ay ikaw, sampu ng iyong mga mahal sa buhay ang pagbabalikan ng tigalpo ng aklat na ito, na tatagos sa iyo kahit anong uri pang bakod ang gawin ninyo.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.