Wednesday, May 27, 2009

KONSEPTO NG PAGLILINIS NG SARILI

ANG TAO AY TEMPLO NG DIYOS.

NGUNIT ME PRINSIPYO ANG DIYOS AT TATAHAN LAMANG SIYA SA TAONG ME MALINIS NA PUSO.

ANG PUSO NA PINAG-UUSAPAN DITO AY ANG "CORE" O SENTRO NG NASABING TAO.

KUNG ANG "CORE" O SENTRO NG TAO AY KASAMAAN, ANG DIYOS AY WALA DOON...

SA TERMINO NG BANAL NA KASULATAN, KAPAG ANG ISANG TAO AY WALANG DIYOS AY HAYOP ANG TURING SA KANYA.

ANG TAO AY TEMPLO ng ALPHA OMEGA.

KUNG ANG DIYOS AY HINDI TUMATAHAN SA PUSO NG NASABING TAO, MAPUPUSPOS NG KASAMAAN ANG KANYANG MGA GAWA.

DAHIL ANG KABUTIHAN AY MAGAGAWA LAMANG NG ISANG TAO KUNG MAYROON SIYANG DIYOS SA BUHAY NIYA.

KUNG WALANG DIYOS SA KANYANG BUHAY, AY KASAMAAN ANG MAGAGAWA NIYA SA KANYANG BUHAY.

KUNG KAYA'T KAILANGAN SA PAGTAHAK NG LANDAS ESPIRITUAL ANG PAGLILINIS SA SARILI.

ANG DIYOS AY TUMATAHAN LAMANG SA PUSO NG TAO KUNG MALINIS ANG PUSO NG NASABING TAO.

PAANO NAGIGING MALINIS ANG PUSO NG ISANG TAO?

DUMADAAN ITO SA PROSESO.

UNA SA LAHAT, BAGO TAYO MAKAPAGLINIS SA SARILI AY KINAKAILANGAN NATING MALAMAN KUNG ANO ANG DAPAT NA MALINIS SA ATING SARILI.

IBA-IBA ANG KONSEPTO NG TAO SA MABUTI AT MASAMA, DEPENDE SA KULTURA AT MGA KINAGISNANG PANANAMPALATAYA.

KUNG KAYA'T ANG KONSEPTO NA ITO AY NABUO: KUNG ANO ANG HINDI NATIN GUSTO HUWAG GAWIN SA IBA ... KUNG ANO ANG ATING INUTANG AY SIYA RING KABAYARAN...

MAINAM NA PAGNILAYAN ANG AWIT NA "LUPA"...
ITO ANG MGA LYRICS NG AWIT NA ITO:

Nagmula sa lupa
Magbabalik na kusa
Ang buhay mong sa lupa nagmula

Bago mo linisin
Ang dungis ng 'yong kapwa
Hugasan ang 'yong putik sa mukha

Kung ano ang 'di mo gusto
Huwag gawin sa iba
Kung ano ang 'yong inutang
Ay s'ya ring kabayaran

Sa mundo ang buhay
Ay mayroong hangganan
Dahil ay lupa lamang

Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon ika'y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo

Kung ano ang 'di mo gusto
Huwag gawin sa iba
Kung ano ang 'yong inutang
Ay s'ya ring kabayaran

Sa mundo ang buhay
Ay mayroong hangganan
Dahil ay lupa lamang

Sa mundo ang buhay
Ay mayroong hangganan
Dahil ay lupa lamang

Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon ika'y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo

Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon ika'y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo

ANG KONSEPTO NA NAKAPALOOB SA AWIT NA ITO AY "BASIC" O PUNDASYON NG PAGLILINIS SA SARILI...

UPANG MALINIS ANG SARILI, AY KAILANGANG MALINAW ANG MGA SUMUSUNOD NA KONSEPTO:

1. LAGING ISADIWA NA MAY KAMATAYAN TAYONG LAHAT..

Nagmula sa lupa
Magbabalik na kusa
Ang buhay mong sa lupa nagmula

2. ISADIWA NA ITUON ANG PANSIN SA PAGLILINIS NG ATING MGA SARILING KAHINAAN...

WALA TAYONG KARAPATANG HUSGAHAN ANG SINUMAN KUNG TAYO AY NAGKAKAMALI PA RIN...

Bago mo linisin
Ang dungis ng 'yong kapwa
Hugasan ang 'yong putik sa mukha

3. KUNG ANO ANG PANUKAT NATIN SA IBA AY SIYA DING DAPAT NA PANUKAT SA ATING MGA SARILI...


Kung ano ang 'di mo gusto
Huwag gawin sa iba
Kung ano ang 'yong inutang
Ay s'ya ring kabayaran

4. LAGI ISADIWA, ANG BUHAY NATIN AY MAY KATAPUSAN...
LAHAT AY MAY HANGGANAN...

Sa mundo ang buhay
Ay mayroong hangganan
Dahil ay lupa lamang

5. SIKAPIN NA MAGBAGO AT IBIGIN ANG KAPWA GAYA NG SARILI...

Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon ika'y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo


KUNG MALINAW NA ANG MGA KONSEPTONG ITO, AY SAKA LAMANG DUMAKO SA KONSEPTO NG BANAL NA WIKA NA NAKAKAPAGPALINIS NG SARILI...

KUNG HINDI MALINAW ANG MGA KONSEPTONG ITO, WALANG URI NG PANALANGIN, KAHIT ULIT-ULITIN PA ITO, ANG MAAARING MAKAPAGLINIS SA TAO...


ANG AKLAT NA "LAVATOR PECCATORUM" AY NAGLALAMAN NG MGA PANALANGIN NG PAGLILINIS SA SARILI... NAGLALAMAN ITO NG 19 PAHINA...

AT ANG AKLAT NA ITO AY IPAGKAKALOOB KO NG KUSANG-LOOB SA MGA TAONG NAIS NITO...

KAILANGAN LAMANG NA KUSANG-LOOB NINYONG NAISIN NA MAGLINIS NG SARILI PARA SA DIYOS AT KAPWA AT MAGBAGO TUNGO SA IKABUBUTI...


WALANG URI NG PANALANGIN ANG MAKAPAGLILINIS NG MASAMANG PUSO...

HINDI TATALAB ANG MGA PANALANGIN SA AKLAT NA ITO SA TAONG MAY MASAMANG PUSO...

HANAPIN SA AKLAT NA ITO ANG PANALANGIN NA TUGMA PARA SA IYONG PANANAMPALATAYA...

IBA-IBA ANG PANINIWALA NG TAO, AT ANG PANALANGING PINANINIWALAAN AY MAS MABISA KAYSA SA HINDI PINANINIWALAAN...

SA DIYOS ANG PAPURI AT PARANGAL MAGPAKAILANMAN!

AD MAJOREM DEI GLORIAM
ALPHA ET OMEGA

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.