Wednesday, May 13, 2009

AKLAT NG SHEMAYAW

HALIMBAWA NG LAMAN NG AKLAT NA ITO:

ANG KAPANGYARIHAN SA LIKOD NG AKLAT NA ITO:


ANG DIYOS NA NAGPAPAANDAR SA MGA NILALAMAN NG AKLAT NA ITO AY SI YAHWEH.

ANG DIYOS NA SI YAHWEH AY AYAW NA MAY IBANG DIYOS NA SASAMBAHIN ANG TAONG SA KANYA AY TUMATAWAG, MALIBAN LAMANG SA PANGINOONG JESU CRISTO.

AYAW NG DIYOS NA SI YAHWEH NA YUMUYUKOD ANG SINUMAN SA MGA LARAWANG INANYUHAN, MGA REBULTO, MGA DIYUS-DIYUSANG GAWA SA METAL, MGA GAWA SA KAHOY, BATO O ANUMANG BAGAY NA NILALANG.

AYAW NG DIYOS NA SI YAHWEH NA MERON TAYONG PINAGLILINGKURANG IBANG DIYOS LIBAN SA KANYA.

ANG NAIS NIYA AY SUMAMBA TAYO SA ESPIRITU AT KATOTOHANAN. ANG KANYANG BANAL NA PANGALAN ANG SIYANG SINASAMBA NATIN.

KUNG MAGTITIWALA TAYO SA KANYA, KAILANGAN AY BUONG-BUO, AT WALANG ALINLANGAN.

NAIS NG DIYOS NA SI YAHWEH NA MAG-ARAL TAYO NG BANAL NA KASULATAN (BIBLIYA) UPANG HIGIT NATIN MAKILALA SIYA.

NAIS NIYA NA SUMUNOD TAYO SA KANYANG MGA UTOS SA ABOT NG ATING MAKAKAYA, AT MAGING MAKATARUNGAN TAYO SA PAKIKIPAG-KAPWA.

NAIS NG DIYOS NA SI YAHWEH NA KILALANIN NATIN ANG PANGINOONG JESU CRISTO BILANG ANAK NG DIYOS, NA SUMUNOD TAYO SA KANYANG MGA ARAL, AT TANGGAPIN NATIN ANG PANGINOONG JESU CRISTO BILANG BUGTONG NA ANAK NG DIYOS.

NAIS NG DIYOS NA GUMAWA TAYO NG KABUTIHAN SA KAPWA, AT MAGKAROON TAYO NG PAGMAMAHAL SA KAPWA-TAO.

KUNG IYONG SUSUNDIN ANG MGA PANUNTUNANG ITO, ANG DIYOS NA SI YAHWEH AY MAGIGING TAGAPAGTANGGOL MO AT SASAMAHAN KA.

ANG PANGINOONG JESU CRISTO, KUNG IYONG TATANGGAPIN SIYA, AT YAYAKAPIN ANG KANYANG MGA ARAL, SIYA AY SASA-IYO, AT IKAW AY SASAKANYA.

NGUNIT KUNG INYONG PAGKAMALIAN ANG MGA ARAL NA ITO, INILALAGAY MO ANG IYONG SARILI SA ALANGANING SITUWASYON.

SAPAGKAT HINDI BIRO NA MAGING KAAWAY ANG DIYOS. ANG PAGTANGGI SA KANYANG ARAL AY PAGTANGGI SA KANYA.

SINUSUMPA NG DIYOS NA SI YAHWEH ANG MGA MASASAMANG TAO. HINDI SIYA MAAARING SUHULAN, AT LAGING NASA KATUWIRAN ANG KANYANG MGA HATOL.

PAKAINGATAN ANG KARUNUNGAN SA AKLAT NA ITO, SAPAGKAT ANG DIYOS AY HINDI MAAARING DAYAIN NINUMAN.

AD MAJOREM DEI GLORIAM.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.