comment sent through email:
commercialized daw D.E.U.S.?
may naninira sa kabila hindi ko nagustuhan un comment.
Hindi nila alam kasi ang ethical sharing ng lihim na wisdom.
Palibhasa gusto nila libre henge style ako nabiktima na ko ng ganito.
Sana po explain nyo po sa atin mga readers.
Ako po humihingi nuon baguhan pa ko pero ng kasali na ko sa group nyo kuntento na ko sa 28 familiaris un mga hingi hindi ko magamit ng lubusan coz naniniwala ako sa Law of Karmic repercussion.
ANSWER TO COMMENT:
Sa mga tumutulong sa amin upang ang mga pang-araw-araw na outreach ay magampanan, maraming salamat.
Nagpapasalamat ako sa Diyos ng mga Diyos, Panginoon ng mga panginoon, dahil hindi Niya kami pinababayaan.
Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko na nagpopondo sa akin at nagkakaloob ng pamamaraang pinansyal upang makatulong kami sa araw-araw sa mga mahihirap sa loob ng mahigit nang 10 taon, bago pa matatag ang samahan ng D.E.U.S.(G.O.D.)...
Nagpapasalamat ako sa ilang mga kasapi ng D.E.U.S.(G.O.D.) sa ibang bansa, na sa kanilang awa at pagmamahal sa amin ay tumulong sa aming "outreach" at "pagtulong" sa mga mahihirap...
Sa mga tumatangkilik ng mga aklat na iniakda ko, at sa mga taong may mabubuting kalooban na tumutulong sa mga "outreach" sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga bagay na mula sa akin, maraming maraming salamat po.
Diyos na ang bahalang gumanti sa inyo... Siya ang nakakaalam kung ano ang marapat ipagkaloob sa sinuman... Pagpapala nawa sa mga marunong magpala... Tulungan nawa ng Diyos ang mga taong marunong tumulong... Kalingain nawa ng Diyos ang marunong kumalinga...
Sa mga miyembro ng D.E.U.S. (G.O.D.) sa ilalim ng aking pamumuno, hindi ako nanghihingi ng anumang kontribusyon sa mga kasapi. Hindi po kami nanghihingi monthly dues, ikapu, ni anumang tulad nito...
hindi ko inoobliga ang mga kasapi na magbigay ng anumang kontribusyon...
sinisikap namin na hindi maging pabigat sa sinuman...
Ang samahan namin ay walang sariling pondo, at walang sariling pera...
magkakaroon lamang ng pondo para sa pagtulong dahil sa proceeds sa mga aklat, sariling pera, donasyon kusang loob ng mga taong naaawa sa aming abang kalagayan, at mula sa mga taong may pusong tumulong...
Inilalagay ko sa blog na ito ang mga gawain ko sa araw-araw at mga pictures bilang katunayan...
Ito ay upang malaman ng magbabasa ng blog na ito ang katotohanan...
matutunghayan ninyo dito ang aking buhay...
malalaman ninyo kung ano ang aking ginagawa sa araw-araw, at saan napupunta ang mga "resources" na pinagkakatiwala sa akin ng Diyos- na mula sa aking mga magulang, sa mga aklat, sa mga tulong mula sa taong pinagalaw ng Diyos para tumulong...
Ang lahat ng bagay na ito ay inaalay ko sa Diyos ng mga diyos, Panginoon ng mga panginoon...
Tahimik ang aking buhay bago ako nag-espiritual...
Hindi na ako makapag-hanapbuhay dahil sa mga gawaing espiritual at katalagahan sa akin ng Diyos sa pag-eespiritual...
Ang tao ba sa panahon ngayon ay mabubuhay kung walang perang panggastos lalo na sa lungsod? HINDI.
Ano ba ang pinangtutulong sa pang-araw-araw sa mga mahihirap? hindi ba pera?OO, pati mga pagkain, damit, at iba pa na ang pinangbili dito ay pera.
Sa tingin po ninyo, makakatulong po ba tayo sa mga mahihirap na ito kung wala tayong pagkukuhanan ng pantulong?HINDI.
Sa totoo lamang po, kalimitan po ng mga ganapan dito sa blog na ito- yung pang-araw-araw ay kalimitang ginaganap ko at ni ka J, na kasama ko...
Me pagkakataon, ang ibang kasama mula sa abroad naman ang tumutulong sa mga outreach...
Ang mga kasama ng kapatiran sa lokal ay tumutulong sa pamamaraan ng panalangin, at pagganap sa kanilang mga pang-araw-araw... bilang bahagi ng pagtulong sa iba...
Hindi lahat ng D.E.U.S.(G.O.D.) ay sakop ko...
Merong branch 4 na sa pamumuno ni ka Kenneth ang independente...
Meron ding branch kina Tata C na gumaganap bilang independente...
Ganoon din yung branch ni ka J L...
At ganoon din ang mga branch sa Abroad...
Ang bawat kasapi ng samahang ito ay Iglesia Indibidual...
Isang Iglesia ang bawat isang kasapi ng samahan...
Me kasabihan na hindi kailangan ng paliwanag sa sinumang naniniwala...
At walang anumang dami ng paliwanag ang nakasasapat sa ayaw maniwala...
Para naman sa mga taong nagsusuri, ito ang blog ko...
tignan ninyo ang bunga ng aking mga gawa...
nasusulat... makikilala ang puno sa bunga...
At ang blog na ito ang magpapakita kung ano ang bunga ng punong ito...
Maraming salamat po...
AD MAJOREM DEI GLORIAM
ALPHA ET OMEGA
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.